“I look to you and I see nothing. I look to you to see the truth”
Kung mababasa mo man ito ay sana dumating na ang panahon na naipagtapat ko sa’yo kung ano tunay kong nararamdaman. Naipagtapat ko na rin ang ilang mga kuwento at katotohanan na naging dahilan para makilala kita. Bagamat ay nangyari ito sa hindi ganoon kabuti na paraan ay nais ko lang malaman mo na mahal kita at gusto kitang makilala pa.
Baccalaureate Mass natin noon, hindi naman ganoon kalayo ang agwat ng upuan natin sa isa’t isa kung kaya tinatanaw na lamang kita para lang masabi na sarili na kahit papaano ay nakilala at nakita kita. Gabi, nagkakasiyahan ang lahat, pinaniniwala ko ang sarili na hindi na kita dapat na hanapin pa sa dagat ng mga tao ngunit nagtagpo ang mga mata natin. Hindi ko makalimutan ang pagkakataon na ‘yon, kung paanong nanghina ang mga tuhod ko sa galak, kung paanong kumabog ang dibdib ko sa kaba.
Hanggang ngayon ay naaalala kita. Hanggang ngayon may pagnanais pa rin sa akin na makilala ka at maging kaibigan mo manlang sana ay masaya na ako ron.Ngunit minsan gusto ko maghangad nang mas malalim pa. Iyung tipo na may magagawa ako para sa’yo, gusto kitang ipagtanggol, alagaan, tulungan at mahalin. Gusto ko ibigay sa’yo lahat ng magaganda at mabubuting bagay sa mundo dahil alam ko na deserve mo ang mga lahat ng iyon.
Alyanna, kung sakali man na hindi mo ako mabibigyan ng panahon para makausap ka, hangad ko palagi ang kabutihan mo. Nakikiusap ako na ingatan mo ang iyong puso, ingatan ang sarili at higit sa lahat ay manatiling umiibig.
Nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap sa kahit na anong bagay. Nandito lang ako at handang makinig. Mahal kita palagi, Aly. Hindi na siguro maaalis sa sistema ko ang pag-ibig ko para sa’yo kaya nandito lang ako palagi.
Hindi mo man ako makilala o hindi man dumating ang araw na mapalapit ako sa’yo, lagi mo tatandaan na may isang tao na nakatanaw sa’yo mula sa malayo.
-L